Tuesday, October 12, 2010

12-24-06: Christmas 2006

Crisologo Clan



pasko nanaman. parang kelan lang yung dati.. heto nanaman ang panibagong taon. oo, masaya talaga kapag december 24 na. ito ang araw kung kelan nagkakasama-sama ang aming pamilya.. ang pamilya crisologo. talagang inaabangan ko ang araw na ito kada taon.
iba talaga ang bond ng pamilya crisologo. wala yatang hihigit sa samahan ng walong magkakapatid.. ang aking mga lola’t lolo. sabi nga.. kung maghontahan ang mga ito ay parang hindi magkakapatid.. parang magkakatropa lang.. na para bang hindi nagkita ng matagal na panahon kung mag-usap.. ubod ng sarap talaga ng tawanan. nakakawili ngang manood at makinig sa kanilang mga usapan.. lahat ng kuwentuhan, nakakatakot man o pagbabalik-tanaw sa kanilang kabataan.. talagang nakakatuwa.. madami akong natututunan. kung nairecord ko nga ang mga iyon ay talagang uulit-ulitin ko.. hindi ako magsasawa.
noon pa man ay may christmas party na tuwing  december 24. laging may color coding sa bawat pamilya under ng crisologo. minsan ay kulay ng generation ngunit madalas ay binabase sa pamilyang kinabibilangan.. sa walong sanga ika nga. dahil sa dalawa ang pamilya ko.. ang reyes kung saan ako lumaki.. at ang crisostomo… dalawa rin ang kulay na sinusuot ko tuwing 24. papalit-palit.. artista??
may iba’t ibang games, pakitaan ng talento, kainan.. mga pagkaing dala ng mga  nakatokang pamilya na pinagsama-sama, at ang buhay na buhay na mga kuwentuhan ng mga magkakadugo. basta sama-sama.. masaya! walang makahihigit don.
ilang taon na rin ang lumipas. malungkot mang isiping ilan sa aming mga kapamilya ay hindi na namin nakakasama tuwing pasko. ang ilan ay nasa ibang bansa na at ang iba nama’y yumao na. nakakalungkot pero kailangang tanggapin. reality. hindi nga naman habambuhay ay ganoon lang. siyempre nagbabago.. may umaalis.. may dumadating. kanina nga lang ay sinabi ni tita akit na ang ipinamana nga ng kanilang mga magulang ay ang closeness nila sa isa’t isa…. namin sa isa’t isa. gaya ng sinabi niya.. sana nga.. yun ang panatiliin namin.. di sana mawala maging sa susunod pang mga henerasyon.
noon ko pa sinasabi kay mama na sana kahit isang pasko lang ay magkasama-sama na ang buong pamilya. magsiuwian ang mga nasa ibang bansa.. sabay-sabay kahit isang bes lang. imposible. pero kahit hiwahiwalay man kami.. kahit hindi na lahat ay magkakakilala.. hay.. la na ako masabi. sa laki ba naman ng aming pamilya e mukha ngang imposibleng magkakilanlan ang bawat isa.. pero naku! gagawa nalang ako ng paraan para makilala ng iba kong mga kamag-anak ang iba pa.. at ako rin sa mga di ko pa kilala.. kahit sa pamamagitan lang ng pictures.. ng kuwento.. ng pagtatanong.. o ng friendster! pero basta.. dream ko talagang magkasama-sama kaming lahat.. kahit isang araw lang. dream ko lang naman.

No comments:

Post a Comment