Tuesday, October 12, 2010

IPON.


AKO NA SENTIMENTAL! - - - ->letters/drawings/atbp. from friends and relatives SY 1990-present :)



Mahilig ako sa matatalbog... at bilog. :))




Inaamin ko.. isa rin akong Potterhead mula 2002-present. Hindi obvious. lol.




I love Archie Comics. Hiniling ko pa dati kay Santa yan! :))



Ako na kumpleto ID mula nursery! .. Ako narin ang madaya dahil alam naman ng lahat ng tagaLa Salle Dasma na bawal tong ginawa ko. haha. Para-paraan.

08-18-10: One Last Breath -creed (try niyo! aliw! haha)

INSTRUCTIONS:
- Put your iTunes, Windows Media Player, etc. on shuffle.
- For each question, press the next button to get your answer.
- YOU MUST WRITE THAT SONG NAME DOWN NO MATTER HOW SILLY IT SOUNDS. DON'T LIE.
- and see how songs fit ur answer


1. IF SOMEONE SAYS 'ARE YOU OKAY' YOU SAY?

- Hallelujiah -paramore (hahahaha magawa nga!)


2. HOW WOULD YOU DESCRIBE YOURSELF?

- Hot -Avril Lavigne (sakto oh! bwahaha)


3. WHAT DO YOU LIKE IN A LOVER?

- I'll Be There -jackson5 (swak rin ah! yung magfifill ng heart ko with joy and laughter haha)


4. HOW DO YOU FEEL TODAY?

- Never Say Never -the fray (aba! optimistic? lol)


5. WHAT IS YOUR LIFE'S PURPOSE?

- Helena -my chemical romance (anu daw?)


6. WHAT'S YOUR MOTTO?

- A Moment Like This -kelly clarkson ("some people wait a lifetime for a moment like this! ..everything changes but beauty remains." pwede na!)


7. WHAT DO YOUR FRIENDS THINK OF YOU?

- You Are My Song -regine v. (wow naman! im their song hahaha)


8. WHAT DO YOUR PARENTS THINK OF YOU?
- Killing Me Softly With His Song -carole king (anlayo! aha)


9. WHAT DO YOU THINK ABOUT VERY OFTEN?

- Swing Swing -all american rejects ("swing swing swing from the tangles of... my heart is crushed by a former love. can you help me find a way to carry on again?" tama! :P)


10. WHAT IS 2 + 2?

- Kaleidoscope World -francis m. (ngee!)


11. WHAT DO YOU THINK OF YOUR BEST FRIEND?

- Umbrella -rihanna (isay!! payong kita. pinoprotektahan mo ako palagi. love you! bwahaha)


12. WHAT IS YOUR LIFE STORY?

- Out Comes The Brave -typecast (hahahahahaha wow to ah. as if andami kong pinagdaanang masaklap haha)


13. WHAT DO YOU WANT TO BE WHEN YOU GROW UP?

- The Great Escape -boys like girls ("throw it away, forget yesterday.. we'll make the great escape." gusto ko lumaya pagtanda ko. hahaha)


14. WHAT DO YOU THINK WHEN YOU SEE THE PERSON YOU LIKE?

- I'll Never Fall In Love Again -karen carpenter (pota! nananadya ba to? psssh! :)))


15. WHAT WILL YOU DANCE TO AT YOUR WEDDING?

- Unbelievable -craig david (bagay naman. hehe "i feel like you've always been forever a part of me and it's so unbelievable to finally be in love somewhere i never thought i'd be.")


16. WHAT WILL THEY PLAY AT YOUR FUNERAL?

- Viva Forever -spice girls (natawa ako dito! "hasta mañana, always be mine" ... nagsearch ako at nalamang hasta mañana means 'until tomorrow/so long'.. sooo sakto rin pala! ayos!)


17. WHAT IS YOUR HOBBY/INTEREST?

- Someday We'll Know -mandy moore (hahaha so hindi ko pa pala alam!?)


18. WHAT IS YOUR BIGGEST FEAR?

- Coming Home -new found glory ("and now im coming home, im coming home to you again. i hope you feel the same.. i hope things haven't changed" pwedeng ipilit haha)


19. WHAT IS YOUR BIGGEST SECRET?

- Airplanes -b.o.b ft. eminem and hayley (i pretend that airplanes in the night sky are like shooting stars? lol)


20. WHAT DO YOU WANT RIGHT NOW?

- Time To Say Goodbye -josh groban (sa feelings na kelangan na kalimutan! ..sa pagiging pessimistic, at sa lahat ng bagay na gumugulo sakin! pinilit parin talaga! :D)


21. WHAT DO YOU THINK OF YOUR FRIENDS?

- Change Your Mind -boyce avenue (di ko na magawan ng lusot to! haha)


22. WHAT WILL YOU POST THIS AS?

- One Last Breath -creed ("hold me now, im 6 feet from the edge and im thinking that maybe 6 feet ain't so far down")

10-12-10: GIVEN TOPIC: Ang katangiang hinahanap ko sa isang kaibigan

                Ang kaibigan ay isang tagasuporta, kasundo, karamay. Ito raw ang umaasiste sa atin sa anumang pinagdadaanan, malungkot man o masaya. Nahanap ko ang depinisyong ito sa internet nang alamin ko ang ibig sabihin ng salitang ‘friend’, at isinalin ko nalang ito sa Tagalog.  Wala akong nahanap na matinong kahulugan ng ‘kaibigan’, maaaring dahil sa palpak ang google o kaya nama’y mahina lang akong maghanap. Wala ni isa sa aking mga kaibigan ang naririto sa bahay kaya wala rin akong mapagtanungan. Ni hindi nga ako sigurado kung tama ba ang mga pinagsususulat ko dito para sa unang bahagi ng sanaysay, ang panimula.
                Walang tao o hayop ang makakayanang mag-isa sa talang buhay nila. Maging ang mga halaman ay kailangan ng kasama, ng isang kaibigan. Ang OA ba? Mukha nga, pero nagsasabi lang ako ng totoo.
                Sobrang dami kong kaibigan kung pagbabasehan ang facebook! Umabot na ang bilang sa mahigit tatlong libo pero hindi aabot sa isang libo ang talagang kilala ko, hindi aabot sa limang daan ang matatawag ko talagang “kaibigan”.
                Ano nga ba ang hanap ko sa isang kaibigan? Malamang pareho lang ang hanap ko sa hanap ng lahat ng tao. Hindi ako naghahanap ng perpekto dahil alam na alam ko namang walang ganun. Hindi rin mahalaga sa akin ang hitsura para mapabilang sa listahan ng ‘circle of friends’ ko.
                Palakaibigan ako. Totoo. Madali naman akong lapitan kung hindi ka masyadong gago at ugaling mamamatay-tao. Madali rin akong mapakwento basta’t nakikita kong interesado ang kausap ko. Sa kwentuhan nabubuo ang bagong samahan, ang pagkakaibigan. Dito malalaman kung magkasundo ba ang dalawang tao, kung pareho ang trip, kung napapasaya ang isa’t isa sa pamamagitan lang ng salitan ng pananaw at napagdaanan. Madaling maging kaibigan ang masarap kakwentuhan. Yun ang gusto ko, may kwenta kausap, marunong makinig, marunong magsalita, nakakaintindi. Sa umpisa, puro usap lang hanggang sa unti-unti nang gagawa ng mga bagay bagay, magkasamang haharap sa kung anu-ano, magkasamang lalawak ang pag-iisip, matututo.
                MU. Mutual Understanding. Kailangang meron kami nito ng mga kaibigan ko. Kung wala nito, away o tampuhan ang kahihinatnan. Sobrang gaan sa pakiramdam na kahit matagal kayong hindi nag-usap at nagkita ng isang kaibigan, walang tampuhan. Nagkakabawian, walang sakalan, hindi nagbago ang samahan.
                Kabaligtaran ng B.I.: magandang halimbawa. Mga taong hindi mo ikakahiyang ipakilala sa mga magulang. Hindi ko sinasabing kailangang walang bisyo, malinis, walang tattoo, walang hikaw sa labi at sa dila at sa pusod at sa kung saan-saan pang bahagi ng katawan pwera sa tainga, mabango, masipag, sobrang galang, mukhang inosente, mukhang mabait, nakatapos,  at kung anu-ano pa. Wala ngang perpekto at alam ko nga yun. Ang magandang halimbawa para sa akin ay yung mga taong marunong rumespeto, nakikibagay, mahal ang sarili’t mga taong nasa paligid niya, may saya, totoo, bukas ang isip, tumatanggap, may pangarap na maganda, may kontrol, at hindi gugustuhing ipahamak ako at ang iba pa.
               Hindi lahat, permanente. Hindi lahat ng kaibigan, pang-matagalan o panghabang-buhay. Andiyan yung may lilipat ng tirahan, lilipad papuntang ibang bansa, makakaaway at hindi na makakabati, magiging abala sa ibang bagay, magsasawa, makakalimot, at mamamatay. Masaklap talaga. Swerte lang natin kung makatagpo tayo ng ilang kaibigang magsusumikap para hindi masira ang relasyon, yung magpupursiging hindi mawala hanggang sa kamatayan. Dapat patas. Hindi ko sinabing siya lang ang magsusumikap. Siyempre, pati ako. Balikan lang dapat.
              Lahat ng tao, kailangan ng kaibigan. Kung walang kaibigan, walang karamay. Ang pamilya ay kaibigan, ang kaibigan ay pamilya. Kaya kung sabihin niyo mang andiyan naman ang pamilya kahit wala ang kaibigan, mali parin kayo kasi parang iisa lang yun. Ang gulo ko, pero naintindihan niyo naman siguro. Malamang, iba-iba ang hanap nating katangian sa isang kaibigan dahil iba-iba rin ang ating personalidad. Kadalasan, mas pinipili natin yung mga taong kawangis natin. Kawangis, yung kapareho natin sa madaming bagay. Yung makakasama natin nang walang harang, hindi nakakailang. Walang tinatago, di naka-maskara, alam pati baho. Anuman ang hanap natin sa isang kaibigan, isa lang ang sigurado kong pagkakapareho ng lahat, ang makahanap ng hindi mang-iiwan. “Till death do us part”.

10-11-10: PARA SA MGA GIRLFRIENDS (at pati narin sa mga boyfriends)

MAGING PATAS!

~matutong maglabas ng pera. take turns.
~matutong manuyo kung ikaw ang may mali.
~luwagan ang kapit! ..yung sakto lang.
~wag masyadong paranoid.
~keep in mind: hindi maling magkaroon siya ng ibang girl FRIENDS. (o boy FRIENDS)
~hindi bawat kilos, kelangan mong alamin.
~kelangan din ng space.
~hayaan mo siyang gawin ang hilig niya paminsan.. kahit di ka nya kasama.
~iwasan ang sobrang pagdedemand.
~bakit kelangang makipagaway over small things? ..kung kaya namang maging masaya nalang.
~appreciate his/her efforts.. kahit gano pa kaliit o kasimple yun. magpasalamat.
~make him/her happy. let him/her make you happy.
~love.. truly. HAHA. 



*opinyon ko lang po ito. hindi lahat ng lalaki, under o willing magpa-under. hindi lahat, crazy in love. marunong din silang mapagod. totoo. baka bigla nalang silang mawala. think. :)

*at yeah, para rin to sa mga boyfriends dyan. wag abusuhin yung tiwala at pagmamahal ng mga babae :) respeto. makuntento. napapagod rin ang mga babae kahit gano yan kabaliw sayo. totoo. :)))

WHAT KIND OF SEDUCTRESS AM I? :D (Cosmo Valentine quiz)

result:

LAIDBACK LOVER

You may feel that you can't set up a proper seduction, but believe it or not, you're a natural! Your smile is always genuine and your laughter hearty, so no one can brand you as a fake. Your gift of gab stimulates the mind as well as the heart of the man whom you regard. You make him feel special just by being your sincere self.

(wow naman! natural na seductive pala ako! HAHA)

palayawS

natripan ko lang ilista mga tawag sakin. haha kung gusto niyong maiba.., imbento pa kayo ng bago!xD

1. candice
2. didis (ang original nickname ko)
3. diday (tawag ng elem tropa)
4. dice (yung small cube)
5. candida
6. candiday
7. can (te can ni fresh ganda)
8. cands
9. edna
10. eds/edz (pauso ni dave at gretl)
11. buleleng (tawag sakin nung baby pa ko)
12. lheng/leleng
13. buls (ni jukz :D)
14. didz/dids
15. dis
16. cancan
17. day (parang die)
18. candays (parang canned ice)
19. des (ni aldrich… haha aldrech)
20. dish (sinimulan ni carlo d. tawag narin ni dan duque)
21. didi (ni tatay digo)
22. candy
23. candies
24. dudung/dung (ni arni)
25. pat (ni arni ulit)
26. ninan andeng (ni celsie)
27. ice (ni allan.. blockmate ni say)
28. piku/peepeeko/peepee/p-p/princess puyat (ni dan masinsin)
29. manay (ni ivan faylona)
30. duday/dudayskie (ni hanzel rathbun)
31. duds (ni wilmart)
32. kyandi (ni jan paolo mendoza)
33. tomoe (ni ge orcena)
34. cee (ni honeyjane)
35. candi (ni vic neil)
36. keyndis/kendis (ni dudu/doo)
37. honey fe (ng JOU12)
heto pa..
38. whizkerz (ni mack guinto)
39. meow/meow meow (ni nico dela cruz)
40. pusa (ng madami haha)
41. miming (tawag dati ni huberto)
42. kitty (tawag dati ni jam)
at..
43. baby (ni kuya dan at justinn (noon) :))
44. honey (ni jaline)
45. hunnypie (ni peng)
46. kapatid (ni rence)
47. sis (ni argie)
48. bru (ni marga)
49. gurl (ni kissy)
50. prinsesa/sesa (ni nico santero hahaha)
51. hon (ni...)
52. sapin-sapin (ni lendel)
53. pogi (ni bhong ganda)



54. sweetheart (dati ni daulat haha)
55. labs (dati ni...)

IMBENTO PA ! ! ! HAHAHAHA

05-13-09: oo na, PHOTOGENIC na ako.

copied sa isang magazine. FHM ata.
ito daw ang totoong meaning ng photogenic.
“remember that hot chick’s friendster profile you’ve been stalking? chances are,  if viewed through real-life vision, her jaw dropping bikini photos will reveal painstaking effort to suck in her stomach and throw a supermodel grin, the caking makeup used to give the illusion of flawless skin and high cheekbones, and the many re-takes it took to achieve that one perfect friendster mug.”
“photogenic people appear stunning in photographs, regardless of how hideous they look in real life. these photo-friendly faces look nicer in two dimensions or , bluntly put, they seem more attractive in dull, flat surfaces, like a mere printed photograph or a paltry jpeg file.”
natamaan ako dun sa article na yun! ahahahaha. pano ba naman, nakikita ko rin namang iba talaga tsura ko sa pictures kung ikukumpara sa personal. dami ring nagsasabi.
“ui ang ganda mo naman sa picture” oo na, sa picture lang. okay. titingin pa e. lol
“parang hindi ikaw” okay okay.. di ko talaga kamukha. ilang shots kasi bago ako makajackpot sa matinong picture. humahanap kasi ako ng ayos na anggulo at lighting. plus, edit pa ng brightness and contrast. at oo, may makeup nga kasi.
“sa picture ganto ka.. sa picture ganyan ka.. blah blah..” fine. hahaha
SIYET! ang bitter ko! hahahahaha wala lang.. nalulungkot lang ako. ang panget ko naman sa personal. nakakadismaya para sakin at para sa mga taong nageexpect na okay talaga ako. haiyayayay kaya minsan ayoko na magupload e… di ko naman magawa.. hilig e. minsan din ayoko na magpakita lalo na sa mga taong sa picture lang ako nakikita. baka kasi magulat sila. hahahaha at yes, madissapoint.
o well, ganun talaga. photogenic daw e. hahahaha
BITTER! :D

About me. (3rd year highschool post)

                                    :candice edna eusebio crisostomo:


madaming sides.. iba't ibang sides..

dami kong ugali na ewan ko.. paibaiba.



madalas tahimik.. may sariling mundo..

puro kaewanan laman ng utak ko..

mas feel kong matulala at magsolo..

pero di ako baliw.. may sapak lang siguro! xD


mahina loob ko.. madalas masyadong nega..

yung tsura ko mukhang tanga.. simangot talaga..

pinoproblema.. mga bagay na wala namang kwenta..

sobrang sensitive at pikon.. pero binabawasan na..


pag nasa mood naman.. humanda na.. haha

ingay ko at nakaw! makulit ako.. sobra

madaming kwento.. buong buhay alam na!

basta ba feel ko.. kasundo ko.. ayun.. ayos na


boyish ako.. sabi nga nila

di man physically.. pero oo.. may pusong lalaki ..waha..

mas madami kasama kong boys kung paguusapan e tropa

di lang siguro ko yung tipo ng babae na.... yun! basta!

pero babae po ako.. pure!.. iba lang talaga.


basta lam ko mapagirl o boy.. basta friend ko.. mahal ko!

pero thankful talaga ko sa few friends na nakakatanggap talaga.. ng buo.


hay naku.. oo na.. magulo talaga ko

pero i assure you.. may bait naman to! :)


well sabi nga nila iba ako.. lahat naman tau noh!!

basta ako.. simpleng tao.. la pakialamanan.. atleast totoo!

ako to eh.. ikaw yan.. ibaiba naman tayo.. tao lang.