Tuesday, October 12, 2010

06-18-07: CSOL CSOL CSOL.. miss ko na ang CSOL!



hay… dami na nagbago. kumpara sa unang taon ko dun.. yr 2002.. e sobra talagang laki ng pinagbago. nakakamiss!! :( pero ayos naman.. ayos nga na nagiimprove e.. kaso wala na kami para maranasan yun! haha! di namin naranasan yung aircon!!!! :D
hay… parang kahapon lang. hay ulit.. hay.. syempre napakamemorable ng apat na taon ko sa cavite school of life. dun na ko nagevolve weh! hahaha.. physically, emotionally, socially, mentally.. basta yung may mga lly! ;) alam nyo na un. haha
alala ko kada year noon e pataas ng pataas yung floor ng mga naging rooms namin. nagstart sa 2nd floor na nilipat sa 3rd floor noong 1st yr. napunta sa 4th floor noong 3rd and 4th yr.
nabago yung canteen nung 3rd yr ata ako. nagkaron ng 2nd floor. nagkaron ng penthouse. nabago yung oval.. luminis.. tumino.
hay.. nawala rin yung mga unggoy. si muymoy ba yun? hahaha at ewan ko na nga ba kung ano yung pangalan nung isa.. hmm.. baka maymay. ;D
bago naman mag4th yr e nilipat yung mini zoo. dumami yung mga hayop. hmm.. nandun parin yung sawa hanggang ngayon. yung laging tulog. yun na nga lang ata ang di nagbago sa csol e hehe
bago rin mag4th yr e sinimulan nang gawin yung swimming pool at yung castle. nawala narin yung mga swing na tambayan namin noon. :( .  ayun.. natapos yung castle nung patapos na ang aming 4th yr.. pero yung pool e di parin gang ngayon. unti unti syempre ;)
last year, tinabunan na yung palaisdaan sa likod ng canteen. well.. mamimiss ko din yung amoy imburnal at basura! hahaha sooo memorable talaga! ;D
at dahil nga sa tinabunan na yung palaisdaan, inextend na yung canteen. wala na ulit yung 2nd floor.. iba na ata yung function. pero grabe.. nagulat talaga ko.. nadoble yung lawak nung canteen sa baba.
magkakaron din daw ng garden. sinisimulan na ata ngayon. at.. may mga sheep na sa oval ha.. dagdag sa solician family. hehe
at heto matindi! .. may aircon na ang csol!!! .. at take note! dalawa kada room! bigat! .. at dahil nga airconditioned na.. sarado na lahat. wala na yung butas na bintana.. at yung dalawang pintong walang pinto. hahaha huhu.. dun pa naman sa mga butas na yun kami tumatambay.. nagsisilipan. hehe
yung mga tao naman.. mga di ko na kilala! daming bago.. mapastudent o teacher. hmmm… malamang kilala ko nga yung iba pero di narin makilala dahil nagiba na ng todo yung mga hitsura.. haha at grabe.. anlalaki na ng mga bata!! hay… tama bang maiwanan ako sa paglaki?? :( wehe
hay buhay.. di ko na ikukuwento lahat dito. di kakayanin ng powers ko sa haba nun noh! love story palang e.. pamatay na! as if meron hahaha. namiss ko lang talaga yung mahal kong school. dumalaw ako kanina.. nalungkot talaga ko. masaya na malungkot. namiss ko kasi e. huhuhu. sana forever highschool nalang! hahahaha totoo.. iba pala talaga ang buhay highschool. well.. lungkot din kanina kasi di ko nakita yung mga taong napalapit sa akin. lumipat na pala. hay… so so sooo sad. sana.. sana.. waaa REUNION!!
naging parte ko. di ko to makakalimutan!!
> I-Tolstoy                 Sir Heinz Sarmiento
> II-St. Stephen          Sir Jener Vega
> III-Benevolence        Mrs. Norma Renomeron
> IV-Temperance       Sir Robert Dumali
> Himig ng Buhay        Ms. Lorelai de leon & Sir Rolly Capistrano
> Art Club                  Ms. Mabel Caluracan & Ms. Rey Calitis
> Solician Life             Ms. Arabel Giron
> mga performances ng HNB under Ms. Lai and Ms. Mabel.. yung "a better world", "sa araw ng pasko", "only selfless love", atbp
> mga art tips from Ms. Mabel.. at yung paggawa namin ng props para sa cultural show nung 1st yr. 1st time kong gabihin sa school! haha
> singing contest nung 2nd yr.. "paalam na" senti mode!
> mga practices.. 4 yrs ko sa HNB. memorable talaga yung napakainit na music room sa 4th floor na nilipat sa 5th floor katabi ng chapel! at yung pagtuturo at pagrerecall ng mga tono ng mga bagong turo ni ms lai at ni sir rolly! :)
> fieldtrips. dalawa lang yun!
> laban ng PBA legends..
> mga habulan sa corridor.. asaran.. at yung pagiging pikon ko! haha
> mga crushES hehe
> 1st love.. hahaha.. at yung bruhang sumira ng aking 3rd yr! hahaha
> Himig ng Buhay Christmas Concert nung 3rd yr.. "frosty the snowman" , "what child is this?", atbp. .. at yung iba pang performances namin under sir rolly.
> booh.. deh.. gah.. heartbeat disco bar nung 3rd and 4th yr.. foundation week
> 1st annual music festival nung 3rd yr. "babae po ako", "sasakyan kita", "buttercup".. mukha kaming bakla! ;D
> mga loveteams!
> mga nalink hehe
> mga iyakan.. either napikon o di kinaya ang hirap ng math at physics! haha o tampuhan sa kaibigan
> takot ko dati kay ms ara.. haha
> bacoor meet sa csol.. mocc ako nun.. ang saya manaway! haha dami nakilala..
> yung time na nasa top 10 ako tapos biglang nawala nung 3rd yr haha
> cultural show nung 4th yr. B’LAAN!
> tambay mode sa study corner
> mga inggitan.. kung sino nauuna magbreak o madismiss haha
> pagpasok ng ulan sa mga butas ng wall habang nagkaklase..
> handang handa na sa pagpasok.. minsan nakapasok na.. biglang pauuwiin dahil cancelled daw ang classes.. may bagyo!
> pagpipicture ko sa mga classmates. present ang cam tuwing may activities/programs.. o kahit wala man!
> pageevolve ko daw ;p .. kasama na ang pagiging girl ko. haha
> mga pagalit ng mga teachers! di na mabilang!
> recollection sa little theater nung 2nd and 3rd yr.. at retreat sa villa de oro nung 4th yr
> CAT!! drills.. lalo na yung rappelling! yeah!
> mga palaro.. miss ko na basketball at syempre.. table tennis!!
> Art exhibit.. at nung nafeature ang castle sa MUP
> pet parade nung 2nd yr.. dala ko si lucky
> motorcade nung 2nd yr.. 3rd founding anniv. namigay kami ng mga leaflets/posters/calendars sa mga tao sa kalye. grabe.. una pa yung pick-up truck namin nun! hahaha
> pabingo sa csol
> mga inter-school competitions na sa csol ginawa.. para mapromote diba..
> pamaskong csol nung 1st yr kung saan napuno yung hallway ng mga taong.. hmm.. grabe.. nakakaawa sila.. pero grabe.. sarap sa pakiramdam na napasaya namin sila.
> JS Prom.. la lng hehe
> level patch! yeah! unique yun!
> hand signals!!!
> non scholae sed vitae discimus.. we learn not for school but for life
> mga trip at paglalagalag sa corridor
> MTAP.. heavy! haha
> mga presentations..
> PE!! yung mga free time.. tas laro ng iba’t ibang sports!
> club day.. saya lalo na pag wala na ginagawa. tambay mode sa room.. kwentuhan.. kantahan.. kulitan.
> graduation.. "one day in your life", "you are the love of my life", "you raise me up" at syempre ang "at the beginning"
> mga kaibigan. mga totoong kaibigan. mga totoong nagmamahal na kaibigan.

MISS KO NA TO!!  sensya na.. di sunud-sunod yan! haha kung ano lang pumasok sa utak e. well, di ko naman ineexpect na babasahin to ng kahit na sino e.. sinulat ko lang to para magreminisce wehehehe.. la lang. haha. sure lagi ko tong ieedit. hay.. basta! rewind rewind sana.. :( 

No comments:

Post a Comment