Tuesday, October 12, 2010

07-09-07: nasan na??

-miss ko na yung mga alitaptap tuwing gabi. mga 11pm. ang dami! kitang kita sa garden namin.. na sobrang dilim. inaabangan talaga naming magpipinsan. 10 years ago??
-miss ko na yung mga tutubi tuwing hapon. may mga karayom.. may mga kalabaw.. may mga reyna.. ibaiba! .. madami yun sa labas!.. ilang years ago..
-miss ko na yung mga bulaklak ng fire tree at ng cherry blossom!!.. tuwing summer e nakaw! puno ng mga pula, puti, at pink yung court namin dito.. pati yung garden.. abot pa hanggang kalsada lalo na kung hinahangin.. sobra! .. last yr lang nawala. :(
-miss ko na yung tagutaguan naming magpipinsan tuwing nagmamahjong ang mga magulang.. o tong-its! .. may agawan-bahay pa.. softball.. tamaan-tao.. kuwentuhan ng nakakatakot.. at kung anuano!
-miss ko na yung mga pangaasar ng mga dati kong kaklase.. "baboy, negra".. at yung iba pang synonymous dun gaya ng "africana, baluga, sunog… at "… " pa.. ^^"
-miss ko na yung pagtakbo sa corridor! .. hinahabol yung mga nangaasar sakin! haha
-miss ko na yung dating hitsura ng bahay.. yung mga halamang nawala.. napakadami nun! .. pati yung dating kusina..
-miss ko na si vanagon.. si dagul.. at si melody! .. oo! may mga pangalan yung mga sasakyan namin noon! ayos noh?? haha
-miss ko na yung mga dati kong alaga. hay… di ko na isusulat yung mga pangalan.. mahabang listahan!
-miss ko na yung mga parties. madalas e meron nun dito! kahit la naman talagang okasyon.
-miss ko na yung pagboballroom! .. limang taon palang ata ko e mahusay na kong magtango! .. waha noon yun!
-miss ko na yung pagpipiano ko! .. at hay.. miss ko na yung piano namin! kelan lang siya tuluyang binawian ng buhay.. hahaha. matanda pa yun sa tatay ko noh! .. ayun! nandun lang siya sa labas ng kwarto ko.. nakakaawa… patay na!
-miss ko na ang aking "S".. na pinapatapon sakin madalas ni mama sa ilog. .. sumpong!
-miss ko na yung pagsayaw ko ng kung anuano nung preschool at gradeschool years.. sa BES.
-miss ko na yung lending.. na naging tapsihan.. na naging flower shop.. na naging office.. na naging mini grocery na may flower shop.. na ngayo’y mini gro nalang.
-miss ko na yung mga taong matagal ko nang hindi nakikita.. yung mga minsan nalang makasama..
-miss ko na yung dati..
hay…. lately e talagang ang dami kong namimiss. ewan ko nga ba! .. basta lahat man ng mga bagay na hindi ko na nakikita ngayon.. at yung mga bagay na hindi na nangyayari.. e di naman nawawala dito sa puso ko.. hindi mawawala.
kulang na kulang pa tong mga pinaglalalagay ko dito! sa dami ng mga namimiss ko.. heto nanaman ako sa sana may rewind at pause.. nakakamiss talaga!
mapaconvert nga sa dvd yung mga videos ko! haha.. 

No comments:

Post a Comment