Tuesday, October 12, 2010

03-17-08: pagkalipas ng ______ taon

BES batch 2002

nakakatuwa. napapaisip ako. nakakatuwa talaga. napapaisip talaga ako.. nyahahahahaha dang kulet! .. nakakawindang!
after ilang years.., ano na kaya kami?.. i mean., ano na kaya yung relasyon naming magkakaibigan? .. super duper close parin kaya??.. tumangkad kaya kami?.. sumexy kaya yung iba.. o lumobo? .. may mga asawa na kaya yung iba..? o ako?.. may mga karga na kayang mga anak..? .. ano kaya mga trabaho?.. hahahaha nakakaaliw imadyinin.. wehehe ayos sa spelling. ;p
kaming magkakatropa.. tropang BES! .. elementary classmates na hanggang ngayon e SOLID talaga! .. woooo walang makakatalo sa closeness namin!! bleh! hahahaha .. well, actually di ko nga alam kung bakit kung kelan wala na kami sa iisang school at may mga sarisarili nang bagong mga kaibigan e dun pa kami mas naging malalapit sa isa’t isa. ayos diba.. !?.. iba talaga kami! .. ang yabang ko .. pero bakit ba?! gusto ko ipagmayabang yung pagsasama namin weh! hahahaha
ayun nga.. naiimagine ko lang talaga.., nung isang gabi kasi e napag-usapan namin ni shine.., ang dami nang nabubuntis na ka-age namin sa panahon ngayon. napag-usapan rin yung mga pagbabago namin sa loob ng ilang taon. .. haha ano nga kaya after 10 years?.. o less than o more than nun. malamang dadami talaga ang mga inaanak ko! .. o kaya naman e sunud-sunod ang pagiging abay sa mga kasalan. .. ano kaya yung mga hitsura ng mga kaklase ko (at ko) kung nasa harap na sila (o ako) ng altar?.. sino kaya mga mapapangasawa nila (at mapapangasawa ko!)??.. ano kaya magiging hitsura ng mga magiging anak nila..(at ng mga magiging anak ko?)? .. waaaahahahaha nakakaexcite and at the same time.., nakakatakot! .. saan kaya magsisitirahan??.. magkikita-kita pa kaya??..
hai.. ang dami talagang pumapasok sa utak ko. kanina elementary batchmates lang .., pero oo nga naman, bakit nga ba hindi ko naisip yung iba kong mga mahal sa buhay??., hahahaha .., o sige isama narin sila sa mga iimadyinin ko! .. mga kamag-anak.., highschool at college friends.., at yung iba pang mga friends .. at pati yung mga friends ng friends… at friends ng friends ng friends.. hmm.., parang degree lang sa friendster ah. ;p,  woooooo!! napakadami namang pwedeng isipin at imadyinin! ang sarap! ^^ .. try niyo rin kayang mag-isip pag wala kayong magawa. .., pwede ring mas advance.. isipin niyo narin yung mga tsura natin after .. 50 years??.. .. pero parang ayokong isipin yun. nakakatakot… hindi na kyut! 

No comments:

Post a Comment