Tuesday, October 12, 2010

06-29-08: dream

ang weird. village. madilim. magkakasama kaming magpipinsan. nagkaroon
ng fog. walang makita. ang kapal ng fog. nawala silang lahat. hinanap.
may apartment. pumasok. hagdanan.., matataas. madilim. nakakatakot.
walang ibang tao. 4th floor yung room. dalawa yung pintuan ng room.
madilim. andun sila. akyat baba. madilim. madaming pasikotsikot.
madaming hagdanan. madaming daanan.  may fog parin sa labas. tanaw sa
terrace. hindi ko napicturan. sayang. madilim parin. hindi ko alam kung
apartment ba talaga o resort. madilim. akyat baba. baba akyat. ilang
beses yun. kapa ng kapa. di matandaan yung daanan. may isang pintuan sa
first floor ata…binuksan. maliit na kwartong may isa pang pintuan.
binuksan. may slide. swimming pool. mataas yung slide. nagslide na si
isay. di ako sumunod. may mga nagpeperform. naiwan ko yung digicam.
takbo. takot. madilim. akyat sa fourth floor. muntikan ng maligaw.
kwarto. andun mga pinsan. tama yung pinasukan ko. hinanap ko yung cam.
nagmamadali. wala na yung fog sa paligid. pero madilim parin. balik sa
baba. nahirapan parin sa daan. takot parin. kabado. may mga cameraman
sa maliit na kwarto, kinukunan yung nagpeperform sa may swimming pool.
nakipagsiksikan ako. nakinuod. maginaw. sobrang ginaw. ayokong
magswimming. di ako sumunod kay isay.

ang sarap ipinta yung mga nakita ko sa panaginip ko., yung mga ginawa ko.
pero ang hirap e. magulo at masyadong madami. i’m sure di ko nagawang
ipakita yung mga nakita ko. pasensya. asar, nagising ako ni luningning
hahaha udlot!

No comments:

Post a Comment