Tuesday, October 12, 2010

04-05-06: sulyap sa pagkabata..



copied from my notes years ago… pili lang. mapapansin niyo ang mga salitang-bata at mga mali-maling spellings. share ko lang.. katuwaan.
Noong Friday ng swiming Kami sa MONTE VISTA pinitchuran Kami. ang saya namin noong March 14, 1997. at ng swiming Kami sa slide. (ng swiming sa slide? hehe. dati lagi kaming sa monte vista nag-a-outing.. family and friends. ilang years na rin kaming di nakakapunta dun.. iba na kasi ngayon eh.)
Noong Monday ng yari sa Maria Ladel Bario Tutulungan nila Nandito si Alicia na mapagaling yung paa niya naKita ni Soraya si Alicia na hawaK niya yang bigay ni Nandito na Chocolate nagdahilan si Esperaza na siya ang nag bigay ng Chocolate na may Lagyanan na Puso Pinunet ni Soraya yung Lagyanan ng Chocolate (naaalala niyo pa yung palabas? yung kay Thalia.. grabe! araw-araw kong sinubaybayan yun noon!)
Noong Wednesday naligo ako sa tabi ng Kotche pero inales. naligo ako sa pang baby na parang Swiming pool yung hinihipan yung parang salbabida noong April 9, 1997. (trip ko talaga yun gawin dati lalo na pag summer.. inaalis ni papa yung car namin sa garage para lang makapagbabad ako dun sa mini pool na yun)

Noong Monday kunyari ng OOPis ako yung pirma lang yung laman ng Kabudells salamen, panyo, Brush, pambura, Pencil, pentellpen, pero hindi mag kasiya yung ballpen Kaya binitbit Ko nalang at may sumblero pa ako kasi Mainit pero mahangin ang sarap ng hangin nilipad yung somblero Ko. Yung sinoot ko yung salamen at Sumblero tawa ng tawa sila Ate Lina Ate Evie Ate Nene Papa Mama. Noong April. 28, 1997 pero si Ate Tweet hindi tumawa Umoo lang siya pero oKay lang yon sa akin pero napansin rin naman niya ako (yung italized ay burado sa notes dahil naisip ko noon na baka mabasa ni ate tweet at magalit.. hmmm.. noon hilig ko talagang magpretend. kunwari nagooffice nga.. bitbit ko ang aking caboodles at ang papel na kung saan lahat ng taong pumupunta sa bahay namin ay pinapapirma ko. that time e laging madaming tao sa amin kaya puno halos yung papel. hay.. sad nga lang at nawala ko. makikita ako noong nakasakay sa kariton, kumpleto sa office wear ko.. with the shades and the hat, habang chinecheck kung kumpleto ang gamit ko.. gamit pang office??, at naghihintay ng tao. hay.. buhay bata talaga.. ang saya!)
Noong Thursday nag laro Kami sa school Kalaban Ko si Caroline at score Ko 3 na si Caroline 1 palang Ang saya namin Kahit natalo Kami oKay lang lalaban naman aKo sabi ni teacher Libay magaling daw rin Kami noong July 31, 1997 at noong Wed. natuto at nagsimula na Kami mag aral ng diKitdiKit lagi akong mali pero Kay teacher Libay ay magaling daw aKo ang sarap mag diKitdiKit.madali lang pala Kala Ko mahirap yan pala madali. Noong July 30, 1997 (asus yabang e noh?? haha! i was in second grade that time..)
noong Thursday natuto na ako mag biKe si papa Tulak nang tulak sa akin kaya natuto na ako yung natuto na ako nagulat sila noong Feb 28, 1998 at pang natuto na daw ako mag biKe gagawa ako ng tree house eh hindi Ko pa alam Kong matutuloy eh. ang dali dali pala mag biKe Kala ko mahirap. (ayan nanaman.. akala mahirap tas madali lang pala. haha. yung tree house na yun? naku! hinintay ko yun pero wala.. wala.. wala! alala ko pinilit ko talagang matuto before para lang dun.. pero hay… hehe ayos lang)

No comments:

Post a Comment