Tuesday, October 12, 2010

04-05-06: Maynila

april 1, 2006- nagpunta kami sa letran. kasama ko si tristan at ang mama niya, si ate nene. sumakay kami ng bus biyaheng lawton at dahil nga sa height namin ni ate nene, nahirapan kami dahil hindi namin abot yung hawakan. matagal din kaming nakatayo at matumba tumba ako doon! naglakad kami papuntang letran. dumaan kami sa ilalim.. subwalk, kaya napadali kahit papaano ang paglalakad. dahil nga siguro sa hindi ako sanay sa maynila, lahat halos ng makita ko ay bago sa akin. di man totally bago, siguro dahil hindi lang yun ang mga nakasanayang makita. naisip ko.. ito na ang tunay na mundo. iba’t ibang mukha ang nakakasalubong.. iba iba ang mga estado sa buhay. naawa ako sa mga namamalimos. mga matatandang kitang kita ang hirap at lungkot sa mga mukha at ang mga batang hindi man lang napagbigyang maramdaman at maranasan ang pagkabata. sobra talaga ang hirap na dinaranas para lang may makain at mabuhay. ang swerte ko. pero sa likod ng mga mukhang pagod ay nandun parin ang kasiyahan sa karamihan.. yun talaga ang maganda sa mga pilipino.. basta sama-sama masaya. nakarating kami sa letran. matapos makapaginquire ay naglakad uli papunta namang sm manila. on our way dun e may narinig akong kumakanta. hinanap ko ang pinagmumulan ng tinig at nakita ko ang isang bulag na nakaupo sa daanan, may hawak na electric guitar, kumakanta sa tapat ng mikropono. sosyal ah.. electric guitar pa! di man kagandahan ang boses, marami parin ang nagbigay ng tulong sa kanya. nakakaawa kasi. nakapasok na sa sm.. nakalabas.. nandun parin siya, walang tigil sa pag-awit. hay.. maaari ngang kasalanan nila kung bakit sila naghihirap.. pero talagang nakakaawa.. lalo na ang mga bata. naglakad uli kami papuntang sakayan. nakasakay at sa wakas ay nakaupo rin.. kaso talagang mahiluhin ako kaya tinulog ko nalang. nakabalik kami sa lugar kung saan sanay na sanay ako.. normal nanaman! pero di rin magtatagal ay haharapin ko na ang tunay na mundo.

No comments:

Post a Comment