Tuesday, October 12, 2010

10-04-05: inaanak ko..



ronnil fabi.. my very first inaanak.. my one and only inaanak. nasan man siya ngayon, hinding hindi siya mawawala sa mga puso namin.. naming mga nagmamahal sa kanya. ang hirap hirap hirap tanggapin na wala na siya ngayon.. biglaan kasi yung pangyayari. nakakalungkot.. 2 years old palang.. magtatatlo sa november 18. sa dami ng mga batang nasa tabi niya nung sept 29, siya pa yung nadaganan nung goal ng basketball. sa dami ng oras na pwedeng bumagsak yun.. yun pang time na yun! e nanonood lang siya nun sa mga batang naglalaro. nung araw na yun, di ako iniwan ni onel. habang kumakain ako ng pancit canton na pinaluto ko sa mama niya pagkagising ko (mga 9am) e nandun lang siya sa lamesa ng kwarto ko, nakadapa… dumadaldal. inutusan ko pa nga siya kumuha ng tubig na siya naman niyang sinunod. tatanong pa yun.."big??" sinundan ko siya palabas at ayun nga, iaabot na yung tubig sakin. hinanap pa nga niya ako nung nagpagupit ako nung mga 11am. "san ninang?" ang tanong niya sa mama niya. mga after lunch e pinapatulog na siya ng mama niya.. ayaw! naririnig niya kasi yung mga naglalarong mga bata sa garden namin.. naattract. sumisilip siya sa bintana ng kwarto ko, tinitingnan yung mga naglalaro. ayaw talaga matulog. tawa siya ng tawa kahit palokong pinapalo ko siya sa binti.."nel, tulog na". ayaw talaga kaya sinabi ko sa mama niya na hayaan nalang. habang nagaaral ako e nasa tabi ko siya.. tumatalon sa kama. pinagalitan ko pa nga siya that time… "nel, wag ka malikot. nagaaral si ninang." kung di siya tumatalon e nakasilip siya sa bintana ko.. sa mga batang naglalaro. lumapit si mama sa kanya at niyakag.."nel, labas tayo.. laro tayo dun. para kang preso diyan." ayaw naman ng bata. dun lang daw siya sa kwarto ko. kinuhanan ko pa nga siya na nakasilip sa bintana ko. lumabas ako at kinuhanan yung mga batang naglalaro tapos nakita ko si onel na nakasilip sa likod ng puno. tinawag ko siya pero ayaw lumapit.. nahihiya. bumalik ako sa kwarto ko at nagbasa ulit ng fili.. saglit lang (mga 3pm), narinig ko ng nagkakagulo na sa labas. lumabas ako at nakitang may buhat na bata.. may dugo sa noo..umiiyak. di ko alam na yung inaanak ko na pala yun. bumagsak yung goal ng basketball namin na ilang taon ng nakatayo samin.. nabagsakan si onel. paglabas ko, nadala na yung bata sa hospital. sumunod kami ng mama ng bata (ate lina) sa crisostomo hospital at naghintay. nakita namin yung bata na may tahi na sa noo.. wala akong tigil sa kadadasal. naghintay kami.. inx-ray yung bata at walang nakitang fractures. hindi rin naman madami ang dugong lumabas sa kanya. hawak namin yung bata. sa tuwing magigising, inaalis niya yung dextrose niya…umiiyak. makikita mo talaga yung hirap niya.. putlang putla at hirap huminga. lumapit yung doctor sa amin at sinabing baka may internal bleeding kaya ooperahan. sinarado yung curtains sa ER.. naghintay kaming lahat. wala kaming tigil sa kadadasal.. kaiiyak. before 6 pm.. lumapit yung doctor.. sinabi kay ate lina na huminahon. na kahit operahan daw e wala ng magagawa.. durog ang liver. hindi nagfunction tong utak ko that time.. hindi ko naisip na wala na yung inaanak ko. pagbukas nung curtains, nakita ko si onel, nakabalot na sa kumot. hinding hindi ko matanggap. mahal na mahal ko yung batang yun. ang sakit isipin na kasama mo lang siya earlier that day.. nagtatawanan tapos bigla nalang mawawala sayo ng ganung kabilis. oo.. lumaban si onel. tumagal pa siya ng ilang oras. matapang yung batang yun e! di mo aakalaing 2 palang siya kasi ibang iba ang kilos niya. kung kelan lalong napapalapit na sa amin ng husto.. kung kelan nakikita ko na yung signs na di na siya baby.. signs na malaki na siya. yung nagiging makulit na.. di na umiiyak paggising. naaalala ko na sa tuwing papasok ako sa umaga, umiiyak siya.. "sama ninang".. gustong sumama sakin sa pagpasok. hilig din niyang sabihin.."kamu!" muka mo daw. at napakahilig manggaya.. sobra! lahat ng expressions ko gagawin niyan. talong talo ako sa paglilinis. sa tuwing uuwi yan dito.. makikita yung kwarto ko.. sasabihin niyan.."kalat ninang" tapos pupulutin yung mga nakakalat kong sapatos at ibabalik sa lalagyan. nagwawalis pa nga yan sa labas ng bahay namin e.. talo talaga ako. pag maggigitara ako.. kukunin niya yung ukilele at tutugtog din. ngunguso siya pag sasabihin kong.. "nel, nguso!". hilig niya ding gayahin yung mga aso namin. papasok siya sa isang vacant na kulungan at tatahol pa.."aw!". gustung-gusto niyang siya ang sasagot ng telepono.. "lo tinn?". at ang hilig talaga niyan sa "broom-broom" niya. kikilos pa yan na parang bakla.. kekendeng pag marinig ang "anonoski" ni kuya dan. ilang beses na din ako nagalit kay nel.. malikot kasi. lahat gusto niya ginagalaw niya din.. pero mawawala din naman agad yung galit ko.. hinding hindi matiis ang inaanak. hilig kong picturan si nel at everytime na hawak ko yung digicam ko e.."nang tingin" ang maririnig ko. miss na miss na miss ko na siya.. ang hirap hirap hirap tanggapin. ang hirap namang di siya maalala kasi kahit saan ako tumingin e nakikita ko siya. basta ang alam namin angel na siya ngayon at di kami pababayaan.
nel, di ka makakalimutan ni ninang. wag mo kami papabayaan ha. daming nagmamahal sayo.. sobra! salamat nel sa lahat lahat lahat. i love you!

No comments:

Post a Comment