Tuesday, November 16, 2010

100 TRUTHS

Rules: Once you've been tagged, you are supposed to write a note with 100 Truths about you(your the boss any truth about you is fine). At the end, choose 25 people to be tagged. You have to tag the person who tagged you. Tagged means "I'm interested in knowing what are your 100 truths".

(To do this, go to "notes" under tabs on your profile page, copy and paste this note, erase my answers and enter your own, tag people (in the right hand corner of the app then click publish.)

  1. Balbon ako. - - gandang panimula! :D
  2. Minsan gusto ko magshave.. kaso parang di ko kayang panindigan/imaintain.
  3. Mukha daw akong pusa. Naniniwala ako sa kanila. - -sisihin ang mini dimples na mukhang whiskers.
  4. Paibaiba tsura ko. Iba sa pics, iba sa salamin, iba sa webcam, iba sa videos, iba daw sa personal. Minsan di ko na alam kung alin yung totoo.
  5. I hate my skin.. and my hair! HIRAP AYUSIN! pfft!
  6. It's hard for me to smile properly in front of the camera. Kaya madalas wacky. - -I'm good at it! haha
  7. Sentimental akong tao. SOBRA. Lahat halos recorded. 
  8. Dahil sentimental nga ako, isa sa mga collections ko ang letters/drawings from friends and family.+ testimonials pa pala!
  9. Nangongolekta rin ako ng matatalbog na bola - -yung pangjackstones! .. at marbles.
  10. Meron pa. Archie comics at Harry Potter stuff. :D Nakalakihan e.
  11. Kumpleto ko ID ko mula nursery hanggang 4th year college. Yearly ako nagrereport ng lost id sa la salle  para lang magkaron ng bago hahaha!
  12. Nabagsakan ako ng dumbbell sa paa noong 2003. Tinanggal kuko ko sa hinlalaki. Masakit sobra.
  13. Mabilis akong mamula pag nakakainom. Kahit sa wine, pulado kagad. Badtrip e! 
  14. Premature baby. 7 months lang ako nung pinanganak. 
  15. Swerte daw ako kasi I survived! :D Thank God. .. I was a very fragile bebe. Matagal sa incubator.
  16. Insomniac sa Pinas. Medyo nocturnal.
  17. Ayoko sa palaka! .. at sa butiki. Mas gusto ko pa ang ahas hahaha!
  18. Wala kaming ibang probinsya. Tubong Kabitenyo both sides.
  19. I stand 5 flat :| Pinakamaliit saming apat na magkakapatid - - all girls. ako panganay. 
  20. Sisters ko sila sa dad's side. Dito sila sa San Diego nakatira.
  21. Medyo kuripot ako. Mahilig akong magipon.
  22. Lagi akong naglalakad mula sa kanto hanggang bahay makatipid lang. Kahit malakas ulan o sobrang init, madalas go parin ako. :))
  23. Di ako makatulog ng mahimbing kung walang unan sa mukha ko + kumot na nakabalot sa buong katawan.
  24. Di ako makajebs ng ayos pag walang binabasa. haha!
  25. Pumuti ako.. at pumayat. PROUD?! :D
  26. Noon, inaasar akong "baluga, negra, Africana, baboy, kirara, mataba, ngipin at eyeballs lang ang nakikita, atbp." nung gradeschool-3rd yr highchool. Kawawa ako dati. :(
  27. Boyish din ako before. Di ako nagsusuot ng shorts, sando, fitted na mga damit, at colorful tops. Conscious.
  28. Hinahabol ko dati yung mga  boy classmates pag inaasar ako at minsan nakikipagbunong braso. Brutal ako.
  29. ..at di ako naglulugay ng buhok noon. Sabog kasi.
  30. Di ko nameet real mom ko. Sa pictures ko lang siya nakita.
  31. Laki ako sa grand aunt ko. Kina Mama Emma. :)
  32. Friendly ako. Madali akong kausapin/very approachable. Mabilis ako mapakwento. 
  33. Pero medyo mahiyain ako sa personal, lalo na kung mahiyain rin yung kausap ko.
  34. Mas madali kong nagiging close ang mga guys. Di ko alam kung bakit. Pansin ko lang.
  35. Pihikan lang siguro ako pagdating sa mga babae. Natotorpe.
  36. Naaattract ako sa mga mukhang gago/medyo gago. Noon naman hindi.
  37. Wala pa kong nagiging "boyfriend". MU lang. HAHAHA!
  38. Pero madami akong alam. Di ako ganun kainosente.
  39. Lima butas ko sa tenga.. sa ngayon.
  40. Mahilig ako sa Arts, Photography at Music. Mahilig lang.
  41. I sing. Pero di na ko active. Di na ko nagpeperform. Videoke nalang.
  42. I have 50+ nicknames. Ang hilig magimbento ng mga kaibigan/relatives ko.
  43. Almost 3 pounds lang ako nung pinanganak. Kasya sa kahon ng sapatos. Mas malaki pa ang 1.5 na coke.
  44. Andami kong kilala. Matandain ako sa tao. Malaki circle of friends ko.
  45. Interesado ako sa buhay ng mga nakikilala ko. Pero minsan wala ako sa mood makipagusap.
  46. Masayahin ako pag kasama mga tropa't mga relatives, pero minsan mas naeenjoy ko pag mag-isa.
  47. Medyo pessimistic ako :|
  48. Madaldal ako, makwento.. pero i hate public speaking! Dun ako mahina. Di ko trip magrecite at magreport. Nakakautal.
  49. Di ko alam kung ano gusto kong maging :(
  50. Matakaw ako, kinokontrol ko lang.
  51. Never kaming nagaway ng best friend ko. Best friend of 20 years! - -at wag nga sanang magaway.
  52. Di ako mahilig gumimik.
  53. Mas trip kong sa mga bahay lang tumambay kesa mga bar. 
  54. Wala ako masyadong alam sa mga gawaing bahay. Sorry.
  55. Mahiluhin ako sa byahe. :( Pero gustong gusto kong malibot ang pinas.
  56. Allergic ako sa alikabok. 
  57. Di ako naniniwala sa ligaw. Kaya di ako nagpapaligaw. Go with the flow. :)
  58. Ayoko sa mga tanong na "May pag-asa ba ako?" at "Pwede bang manligaw?" - -DI KO SINASAGOT YUN.
  59. Mahilig ako sa mga rides. Gusto ko yung extreme!
  60. Namimiss ko na yung mga alitaptap, tutubi, patintero, agaw-bahay, tagutaguan, soft ball, bahay-bahayan, kwentuhan ng nakakatakot, classic cartoons sa cartoon network at nick at disney, pagpunta sa sementeryo every sunday, atbp. - - CHILDHOOD MEMORIES :(
  61. Mahilig ako sa street food.
  62. Simple lang. Pumorma man, magmake-up man.. simple parin.
  63. Makulit ako pag nasa mood. Masaya ako pag napapatawa ko yung mga tao.
  64. Mababaw lang kaligayahan ko. 
  65. Pero masama akong magalit. 
  66. Duwag ako sa multo. Pero gusto kong manuod at makinig sa mga ghost stories.
  67. Totoo ako. Wala halos tinatago.
  68. Di ako mahilig makipagaway. Pero pinangarap kong maexperience makipagsabunutan! 
  69. Macho ako. Di ko alam kung pano nangyari yun. 
  70. Pag namamatayan ako ng aso/ibon/pusa noon, nililibing namin sa garden tapos araw-araw kong dinadalaw at nilalagyan ng flowers. May times na may cross pa! :D
  71. Nagpiano ako, nagflute, volleyball, pingpong, gitara, kanta, drawing.. pero lahat tinigilan ko. Nakakapanghinayang tuloy. Wala ng natutunan.
  72. Di pa ko nakakasakay ng MRT at LRT magisa, pero nakarating na ko dito sa US all by myself. Achievement!
  73. Di ako makaebak sa public banyo.
  74. Im soooo random! Pansin niyo? haha!
  75. Palagi akong may bitbit na camera. Palaging nagaupload. Palaging nagtatag. Kung may sweldo lang yung ginagawa ko, mayaman na ko panigurado.
  76. Di na ko makalabas ng walang lipstick. Ang putla ko.
  77. Ang baduy ko pag inlove. Kanina ko lang narealize ulit. 
  78. Matagal akong makaget over. Years. :| Matagal ding mahulog.
  79. Mukha daw akong tiyanak nung pinanganak. Bwiset na batang yun! Anak daw ako ni Janice!
  80. Vain ako madalas. Pasensya.
  81. Di ako nagsisimba. Di ko kinalakihan.
  82. Pangarap kong imake-over. Buhok, damit, make-up, shoes. Yung model ang dating! 
  83. Madalas akong namimisinterpret. Malabo lang siguro ako.
  84. Naeenjoy kong makinig sa mga usapan ng mga matatanda. Interesado ako sa mga experiences nila sa buhay.
  85. Mahilig ako sa mga bata. Pero minsan nakakabwiset din!
  86. Mahalaga sakin ang pamilya ko. SOBRA. Pati mga kaibigan.
  87. Pinangarap kong makalipad. 
  88. Naniwala ako kay Santa.
  89. Mabilis akong maglakad. Para akong maaout of balance pag mabagal.
  90. Madami akong insecurities. Di lang halata.
  91. Mababaw luha ko. Lalo na sa goodbyes.
  92. Mataray ako sa di ko trip. Pero kinakausap ko parin. Naaaliw ako.
  93. Di bagay sa boses ko ang RnB. Pangbroadway ako! =))))
  94. Frustrated dancer.
  95. Naiinggit ako sa mga may tattoo. Pero hate na hate ko yun dati.
  96. Nagkaron ako ng hemangioma nung 5/6 months ata ako. Search niyo nalang kung ano yun :D Kaya may tahi ako sa may mata.
  97. Matiisin ako sa physical pain. Or di lang talaga ko madaling masaktan.
  98. Naiinis ako sa mga girlfriends na sobrang OA! Nakakainis talaga. Wala sa lugar.
  99. I'm waiting and hoping.
  100. Batang bata.
Ang hirap! natagalan ako ng bongga! hahaha!

Tuesday, October 12, 2010

IPON.


AKO NA SENTIMENTAL! - - - ->letters/drawings/atbp. from friends and relatives SY 1990-present :)



Mahilig ako sa matatalbog... at bilog. :))




Inaamin ko.. isa rin akong Potterhead mula 2002-present. Hindi obvious. lol.




I love Archie Comics. Hiniling ko pa dati kay Santa yan! :))



Ako na kumpleto ID mula nursery! .. Ako narin ang madaya dahil alam naman ng lahat ng tagaLa Salle Dasma na bawal tong ginawa ko. haha. Para-paraan.

08-18-10: One Last Breath -creed (try niyo! aliw! haha)

INSTRUCTIONS:
- Put your iTunes, Windows Media Player, etc. on shuffle.
- For each question, press the next button to get your answer.
- YOU MUST WRITE THAT SONG NAME DOWN NO MATTER HOW SILLY IT SOUNDS. DON'T LIE.
- and see how songs fit ur answer


1. IF SOMEONE SAYS 'ARE YOU OKAY' YOU SAY?

- Hallelujiah -paramore (hahahaha magawa nga!)


2. HOW WOULD YOU DESCRIBE YOURSELF?

- Hot -Avril Lavigne (sakto oh! bwahaha)


3. WHAT DO YOU LIKE IN A LOVER?

- I'll Be There -jackson5 (swak rin ah! yung magfifill ng heart ko with joy and laughter haha)


4. HOW DO YOU FEEL TODAY?

- Never Say Never -the fray (aba! optimistic? lol)


5. WHAT IS YOUR LIFE'S PURPOSE?

- Helena -my chemical romance (anu daw?)


6. WHAT'S YOUR MOTTO?

- A Moment Like This -kelly clarkson ("some people wait a lifetime for a moment like this! ..everything changes but beauty remains." pwede na!)


7. WHAT DO YOUR FRIENDS THINK OF YOU?

- You Are My Song -regine v. (wow naman! im their song hahaha)


8. WHAT DO YOUR PARENTS THINK OF YOU?
- Killing Me Softly With His Song -carole king (anlayo! aha)


9. WHAT DO YOU THINK ABOUT VERY OFTEN?

- Swing Swing -all american rejects ("swing swing swing from the tangles of... my heart is crushed by a former love. can you help me find a way to carry on again?" tama! :P)


10. WHAT IS 2 + 2?

- Kaleidoscope World -francis m. (ngee!)


11. WHAT DO YOU THINK OF YOUR BEST FRIEND?

- Umbrella -rihanna (isay!! payong kita. pinoprotektahan mo ako palagi. love you! bwahaha)


12. WHAT IS YOUR LIFE STORY?

- Out Comes The Brave -typecast (hahahahahaha wow to ah. as if andami kong pinagdaanang masaklap haha)


13. WHAT DO YOU WANT TO BE WHEN YOU GROW UP?

- The Great Escape -boys like girls ("throw it away, forget yesterday.. we'll make the great escape." gusto ko lumaya pagtanda ko. hahaha)


14. WHAT DO YOU THINK WHEN YOU SEE THE PERSON YOU LIKE?

- I'll Never Fall In Love Again -karen carpenter (pota! nananadya ba to? psssh! :)))


15. WHAT WILL YOU DANCE TO AT YOUR WEDDING?

- Unbelievable -craig david (bagay naman. hehe "i feel like you've always been forever a part of me and it's so unbelievable to finally be in love somewhere i never thought i'd be.")


16. WHAT WILL THEY PLAY AT YOUR FUNERAL?

- Viva Forever -spice girls (natawa ako dito! "hasta mañana, always be mine" ... nagsearch ako at nalamang hasta mañana means 'until tomorrow/so long'.. sooo sakto rin pala! ayos!)


17. WHAT IS YOUR HOBBY/INTEREST?

- Someday We'll Know -mandy moore (hahaha so hindi ko pa pala alam!?)


18. WHAT IS YOUR BIGGEST FEAR?

- Coming Home -new found glory ("and now im coming home, im coming home to you again. i hope you feel the same.. i hope things haven't changed" pwedeng ipilit haha)


19. WHAT IS YOUR BIGGEST SECRET?

- Airplanes -b.o.b ft. eminem and hayley (i pretend that airplanes in the night sky are like shooting stars? lol)


20. WHAT DO YOU WANT RIGHT NOW?

- Time To Say Goodbye -josh groban (sa feelings na kelangan na kalimutan! ..sa pagiging pessimistic, at sa lahat ng bagay na gumugulo sakin! pinilit parin talaga! :D)


21. WHAT DO YOU THINK OF YOUR FRIENDS?

- Change Your Mind -boyce avenue (di ko na magawan ng lusot to! haha)


22. WHAT WILL YOU POST THIS AS?

- One Last Breath -creed ("hold me now, im 6 feet from the edge and im thinking that maybe 6 feet ain't so far down")

10-12-10: GIVEN TOPIC: Ang katangiang hinahanap ko sa isang kaibigan

                Ang kaibigan ay isang tagasuporta, kasundo, karamay. Ito raw ang umaasiste sa atin sa anumang pinagdadaanan, malungkot man o masaya. Nahanap ko ang depinisyong ito sa internet nang alamin ko ang ibig sabihin ng salitang ‘friend’, at isinalin ko nalang ito sa Tagalog.  Wala akong nahanap na matinong kahulugan ng ‘kaibigan’, maaaring dahil sa palpak ang google o kaya nama’y mahina lang akong maghanap. Wala ni isa sa aking mga kaibigan ang naririto sa bahay kaya wala rin akong mapagtanungan. Ni hindi nga ako sigurado kung tama ba ang mga pinagsususulat ko dito para sa unang bahagi ng sanaysay, ang panimula.
                Walang tao o hayop ang makakayanang mag-isa sa talang buhay nila. Maging ang mga halaman ay kailangan ng kasama, ng isang kaibigan. Ang OA ba? Mukha nga, pero nagsasabi lang ako ng totoo.
                Sobrang dami kong kaibigan kung pagbabasehan ang facebook! Umabot na ang bilang sa mahigit tatlong libo pero hindi aabot sa isang libo ang talagang kilala ko, hindi aabot sa limang daan ang matatawag ko talagang “kaibigan”.
                Ano nga ba ang hanap ko sa isang kaibigan? Malamang pareho lang ang hanap ko sa hanap ng lahat ng tao. Hindi ako naghahanap ng perpekto dahil alam na alam ko namang walang ganun. Hindi rin mahalaga sa akin ang hitsura para mapabilang sa listahan ng ‘circle of friends’ ko.
                Palakaibigan ako. Totoo. Madali naman akong lapitan kung hindi ka masyadong gago at ugaling mamamatay-tao. Madali rin akong mapakwento basta’t nakikita kong interesado ang kausap ko. Sa kwentuhan nabubuo ang bagong samahan, ang pagkakaibigan. Dito malalaman kung magkasundo ba ang dalawang tao, kung pareho ang trip, kung napapasaya ang isa’t isa sa pamamagitan lang ng salitan ng pananaw at napagdaanan. Madaling maging kaibigan ang masarap kakwentuhan. Yun ang gusto ko, may kwenta kausap, marunong makinig, marunong magsalita, nakakaintindi. Sa umpisa, puro usap lang hanggang sa unti-unti nang gagawa ng mga bagay bagay, magkasamang haharap sa kung anu-ano, magkasamang lalawak ang pag-iisip, matututo.
                MU. Mutual Understanding. Kailangang meron kami nito ng mga kaibigan ko. Kung wala nito, away o tampuhan ang kahihinatnan. Sobrang gaan sa pakiramdam na kahit matagal kayong hindi nag-usap at nagkita ng isang kaibigan, walang tampuhan. Nagkakabawian, walang sakalan, hindi nagbago ang samahan.
                Kabaligtaran ng B.I.: magandang halimbawa. Mga taong hindi mo ikakahiyang ipakilala sa mga magulang. Hindi ko sinasabing kailangang walang bisyo, malinis, walang tattoo, walang hikaw sa labi at sa dila at sa pusod at sa kung saan-saan pang bahagi ng katawan pwera sa tainga, mabango, masipag, sobrang galang, mukhang inosente, mukhang mabait, nakatapos,  at kung anu-ano pa. Wala ngang perpekto at alam ko nga yun. Ang magandang halimbawa para sa akin ay yung mga taong marunong rumespeto, nakikibagay, mahal ang sarili’t mga taong nasa paligid niya, may saya, totoo, bukas ang isip, tumatanggap, may pangarap na maganda, may kontrol, at hindi gugustuhing ipahamak ako at ang iba pa.
               Hindi lahat, permanente. Hindi lahat ng kaibigan, pang-matagalan o panghabang-buhay. Andiyan yung may lilipat ng tirahan, lilipad papuntang ibang bansa, makakaaway at hindi na makakabati, magiging abala sa ibang bagay, magsasawa, makakalimot, at mamamatay. Masaklap talaga. Swerte lang natin kung makatagpo tayo ng ilang kaibigang magsusumikap para hindi masira ang relasyon, yung magpupursiging hindi mawala hanggang sa kamatayan. Dapat patas. Hindi ko sinabing siya lang ang magsusumikap. Siyempre, pati ako. Balikan lang dapat.
              Lahat ng tao, kailangan ng kaibigan. Kung walang kaibigan, walang karamay. Ang pamilya ay kaibigan, ang kaibigan ay pamilya. Kaya kung sabihin niyo mang andiyan naman ang pamilya kahit wala ang kaibigan, mali parin kayo kasi parang iisa lang yun. Ang gulo ko, pero naintindihan niyo naman siguro. Malamang, iba-iba ang hanap nating katangian sa isang kaibigan dahil iba-iba rin ang ating personalidad. Kadalasan, mas pinipili natin yung mga taong kawangis natin. Kawangis, yung kapareho natin sa madaming bagay. Yung makakasama natin nang walang harang, hindi nakakailang. Walang tinatago, di naka-maskara, alam pati baho. Anuman ang hanap natin sa isang kaibigan, isa lang ang sigurado kong pagkakapareho ng lahat, ang makahanap ng hindi mang-iiwan. “Till death do us part”.

10-11-10: PARA SA MGA GIRLFRIENDS (at pati narin sa mga boyfriends)

MAGING PATAS!

~matutong maglabas ng pera. take turns.
~matutong manuyo kung ikaw ang may mali.
~luwagan ang kapit! ..yung sakto lang.
~wag masyadong paranoid.
~keep in mind: hindi maling magkaroon siya ng ibang girl FRIENDS. (o boy FRIENDS)
~hindi bawat kilos, kelangan mong alamin.
~kelangan din ng space.
~hayaan mo siyang gawin ang hilig niya paminsan.. kahit di ka nya kasama.
~iwasan ang sobrang pagdedemand.
~bakit kelangang makipagaway over small things? ..kung kaya namang maging masaya nalang.
~appreciate his/her efforts.. kahit gano pa kaliit o kasimple yun. magpasalamat.
~make him/her happy. let him/her make you happy.
~love.. truly. HAHA. 



*opinyon ko lang po ito. hindi lahat ng lalaki, under o willing magpa-under. hindi lahat, crazy in love. marunong din silang mapagod. totoo. baka bigla nalang silang mawala. think. :)

*at yeah, para rin to sa mga boyfriends dyan. wag abusuhin yung tiwala at pagmamahal ng mga babae :) respeto. makuntento. napapagod rin ang mga babae kahit gano yan kabaliw sayo. totoo. :)))

WHAT KIND OF SEDUCTRESS AM I? :D (Cosmo Valentine quiz)

result:

LAIDBACK LOVER

You may feel that you can't set up a proper seduction, but believe it or not, you're a natural! Your smile is always genuine and your laughter hearty, so no one can brand you as a fake. Your gift of gab stimulates the mind as well as the heart of the man whom you regard. You make him feel special just by being your sincere self.

(wow naman! natural na seductive pala ako! HAHA)

palayawS

natripan ko lang ilista mga tawag sakin. haha kung gusto niyong maiba.., imbento pa kayo ng bago!xD

1. candice
2. didis (ang original nickname ko)
3. diday (tawag ng elem tropa)
4. dice (yung small cube)
5. candida
6. candiday
7. can (te can ni fresh ganda)
8. cands
9. edna
10. eds/edz (pauso ni dave at gretl)
11. buleleng (tawag sakin nung baby pa ko)
12. lheng/leleng
13. buls (ni jukz :D)
14. didz/dids
15. dis
16. cancan
17. day (parang die)
18. candays (parang canned ice)
19. des (ni aldrich… haha aldrech)
20. dish (sinimulan ni carlo d. tawag narin ni dan duque)
21. didi (ni tatay digo)
22. candy
23. candies
24. dudung/dung (ni arni)
25. pat (ni arni ulit)
26. ninan andeng (ni celsie)
27. ice (ni allan.. blockmate ni say)
28. piku/peepeeko/peepee/p-p/princess puyat (ni dan masinsin)
29. manay (ni ivan faylona)
30. duday/dudayskie (ni hanzel rathbun)
31. duds (ni wilmart)
32. kyandi (ni jan paolo mendoza)
33. tomoe (ni ge orcena)
34. cee (ni honeyjane)
35. candi (ni vic neil)
36. keyndis/kendis (ni dudu/doo)
37. honey fe (ng JOU12)
heto pa..
38. whizkerz (ni mack guinto)
39. meow/meow meow (ni nico dela cruz)
40. pusa (ng madami haha)
41. miming (tawag dati ni huberto)
42. kitty (tawag dati ni jam)
at..
43. baby (ni kuya dan at justinn (noon) :))
44. honey (ni jaline)
45. hunnypie (ni peng)
46. kapatid (ni rence)
47. sis (ni argie)
48. bru (ni marga)
49. gurl (ni kissy)
50. prinsesa/sesa (ni nico santero hahaha)
51. hon (ni...)
52. sapin-sapin (ni lendel)
53. pogi (ni bhong ganda)



54. sweetheart (dati ni daulat haha)
55. labs (dati ni...)

IMBENTO PA ! ! ! HAHAHAHA